Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P42B kita mawawala sa Malampaya-Dennis Uy deal

0 230

Nasa P42 bilyon ang tantiya ng Association of Filipinos for the Advancement of Geosciences Inc. (AFAG) na mawawalang kita sa pamahalaan sa Malampaya kapag hinayaan itong mapunta sa kompanya ni Dennis Uy.

Ayon sa AFAG, makukuha lamang ng pamahalaan ang buong ganansiya ng Malampaya gas reserve kung kukunin nito ang control at pagpapatakbo ng Service Contract 38 o ng Malampaya.

Ang AFAG ay organisasyon ng mga geologist na tinatag noon pang 1959.

Tinututulan ng AFAG ang pagbenta ng Chevron ng 45% na interes nito sa Malampaya gas reserve at nananawagan ang organisasyon sa pamahalaan na harangin ang pagbenta ng Shell Philippines Exploration (SPEX) ng 45% na interes nito sa Malampaya kay Uy.

SM food to go Banner Ad

Sabi ng AFAG sa isang pahayag, tutol ito sa pagbili ng UC Malampaya sa shares ng SPEX at Chevron dahil dehado dito ang bansa at pakubling ginawa ang bentahan.

“AFAG opposes the transfer to UC Malampaya because it lacks transparency and is grossly disadvantageous to the Filipino nation. If government does not take full control and management of SC 38, the Filipino people is deprived of about P42 billion net profits from Malampaya,” ayon pa sa pahayag ng AFAG.

Dagdag nila, malaking tulong sa energy security ng bansa kapag nakuha ng pamahalaan ng buo ang control ng Malampaya.

Mungkahi nila, kunin na ng pamahalaan ang control at management ng Malampaya sa pamamagitan ng PNOC-Exploration Corporation dahil ito ang may karapatang bilhin ang interes ng Chevron at SPEX.(Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.