Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P42M puslit na sibuyas sinamsam sa Subic

0 34

Iimbestigahan ng magkasamang puwersa ng Bureau of Customs at ng Sub Task Group on Economic Intelligence kung sino ang mga nasa likod ng pagpuslit ng P42 milyong halaga ng pulang sibuyas na nasabat sa Subic.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Federico Laciste Jr., ang sibuyas ay nakalagay sa 12 reefers at idineklarang frozen Chapati bread ng dalawang importer: ang Thousand Sunny Enterprise at Dua Te Mira Non-Specialized Wholesale.

Sabi ni Laciste, nakumpiska ang 12 container o reefer ng sibuyas na pula sa bisa ng alert order ni Maritess Martin, district collector ng Port of Subic, laban sa dalawang kompanya.

Binuksan aniya ng mga tauhan ng Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, National Intelligence Coordinating Agency, at Philippine National Police ang tatlong container ng Thousand Sunny noong Hulyo 12 at natagpuan ang mga sibuyas.

Dahil dito, binuksan din nila ang 9 reefer ng Dua Te Mira dahil pareho ang deklarasyon nitong shipment sa Thousand Sunny na frozen Chapati bread at mga sibuyas din ang laman ng mga ito.

Sabi ni Laciste, sasampahan nila ng kasong paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act ang mga importer ng sibuyas. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.