Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P450M cash advance sa DA, walang resibo – COA

0 116

Nadagdagan ng P450 milyon ang hindi ni-liquidate na mga cash advance sa Department of Agriculture nung 2019 na ginamit para sa operating expenses, payroll at mga local-foreign travel.

Ayon sa Commission on Audit, P1.02 bilyon ang cash advances sa DA noong 2019 at 44% nito o P450 milyon ay hindi pa nali-liquidate o wala pang mga resibo na labag sa mga regulasyon. Dagdag pa ng COA, may mga unliquidated cash advances pa ang DA na P227.54 milyon mula sa mga naunang taon.

Ayon sa COA, dumadami ang hindi nali-liquidate na cash advances sa DA dahil hinahayaan ang mga tao na mag-cash advance kahit hindi pa nila nali-liquidate ang mga nauna na nilang CA.

Problema rin ang hindi pagsusumite ng mga resibo sa takdang panahon at ang sobra-sobrang binibigay na bale sa mga tao sa departamento.

Sa ibang mga tanggapan ng DA, hindi nag-iisyu ng demand letter ang accountant sa mga opisyal at empleyado kaya hindi ito nababawas sa kanilang mga sweldo. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.