Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P45B nalulusaw sa mantika smuggling

0 132

Bilyon-bilyong piso ang nalulugi sa gobyerno dahil sa technical smuggling ng palm oil.

Ito ang inihayag sa Laging Handa public briefing ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Fermin Adriano bunsod ng misdeclaration sa pagpapapasok ng palm oil sa bansa.

Sinabi ng opisyal na kapag idineklarang animal feeds ay walang taripa ito kumpara sa palm oil na mayroong 15% tax.

May mga kompanya aniya na mayroong kakayahang magproseso ng palm oil at ginagawa itong cooking oil pagdating sa bansa.

“Technical smuggling ang tawag diyan. Pumapasok siya bilang animal feeds, pero may mga kompanya na mayroong kapalibilidad na i-process, i-refine, tapos bleach and deodorize—magagawa nilang ordinary cooking oil. Mga around P40-45 billion ang nawawala sa gobyerno,” ani Adriano.

Dahil dito kailangan aniyang habulin ang mga kompanyang sangkot sa technical smuggling para mapanagot at mabawi ang nalugi sa gobyerno.

“Ngayon an ginagawa ng ating departamento, nanghihingi na kami ng utilization report kung paano nila ginamit iyon. Para malaman namin kung sila ay nag-evolve sa technical smuggling,” dagdag ni Adriano. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.