Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P45M pekeng laruan, iba pang item galing China sinamsam

0 46

Kinumpiska ng Customs ang P45 milyong halaga ng mga pekeng laruan at iba pang item sa sinalakay na warehouse sa Guiguinto, Bulacan.

Sinagawa umano ng Manila International Container Port’s Customs Intelligence and Investigation Service ang operasyon sa pakikipatulungan ng National Bureau of Investigation noong Pebrero 9. Bukod sa pekeng laruan nasamsam din ang mga helmet, steel, resin, at iba pa, na ayon sa inisyal na imbestigasyon ay galing sa China.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon para sa paghahain ng kasong paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.