Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P46B sa `war on drugs’ nakumpiska

0 142

Umabot sa 10,000 high value targets (HVTs) ang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mahigit P42 bilyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa ikinasang ‘war on drugs’ simula 2016.

Ayon sa PDEA, sa isinagawa nilang 183,525 anti-illegal drugs operations simula Hulyo 1, 2016, nasa 266,126 na ang kabuuang bilang ng mga drugs suspects na kanilang nadakip habang may din umanong 5,942 suspected drug personalities ang napatay.

SM food to go Banner Ad

Sa naturang bilang, kabuuang 10,721 ang HVTs ang naaresto kasama na rito ang 287 na dayuhan, 362 elected officials, 102 uniformed personnel, 445 government employees, 3,098 target listed, 751 drug group leaders at mga miyembro members, 66 armed group members, 1,035 drug den maintainers, 232 wanted listed, 18 celebrities, at 4,325 sa mga high impact operations.

Nasa kabuuan namang 20,538 barangays ang nalinis sa droga habang 14,308 na iba pa ang hindi pa rin nalilinis mula sa bawal na gamot.

Mayroon rin naman umanong kabuuang 648 na drug dens at clandestine laboratories ang kanilang nabuwag habang umaabot sa kabuuang P46.42 bilyon ang kabuuang halaga ng shabu na nakumpiska. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.