Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P4B sa distance learning pinalalantad

0 264

Kuwestiyonable pa rin sa isang kongresista kung saan napunta o paano ginamit ang pondong inilaan para sa sektor ng edukasyon na nakapaloob sa Bayanihan 2.

“Nasaan ang mga laptop at Basic Education Subsidies and Allowances? Bakit karamihan sa mga guro ay sariling gastos para sa internet load at pagpapagawa ng modules? Ito ay mga mahahalagang benepisyo at programa sa ilalim ng Bayanihan 2 na sinasabi ng DepEd ay 90% obligated na ang pondo. Pero hanggang ngayon ay hinahanap pa rin sa field ang mga ito,” giit ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro.

Una nang inihayag ng DepEd na nagamit o nagastos umano ang 90% ng P4.35 bilyong pondo nito sa ilalim ng Bayanihan 2 para sa distance learning.

Kinalampag ni Castro ang DepEd na ilabas ang full account ng lahat ng ginamit o ginastos na pondo para sa mga proyekto nito sa ilalim ng Bayanihan 2.(Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.