Abante Tonite Interactive

P4M papremyo sa Roligon

210

May dalawang linggo­ pang paghahanda ang mga gamefowl breeder para sa P4M RMC 30th Anniversary 5-Cock Derby 2020 na sisimulan sa Enero 30 sa 10,000-upuan at malamig na Roligon Mega Cockpit sa Parañaque City.

Puwedeng magpasok ng entry sa 3-cock elims na may P100,000 cash prize sa day champ) sa January 30, February 6, 13, 20, 27, at Marct 5 at 12.

Ang 2-cock finals ay sa Mar. 19 para sa mga may 1, 1.5, 2 at 2.5 points na may may P200,000 para sa day champ at Vortex motorcycle sa raffle draw, at Mar. 26 (para sa may 3 pts. lang.

Itinakda ang P11,000 entry at P5,500 minimum bet sa malaking pasabong na ito ni Roligon CEO Dennis Ligon. May P100,000 ang champion hander at P50,000 sa top gaffer. (Enjel Manato)