Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P4M pera sa ecobag, inagaw ng isnatser

0 254

Nasa 4 na milyong piso ang natangay ng armadong isnatser na naganap sa katanghaliang tapat sa gitna ng Lungsod ng Lipa nitong Huwebes.

Sa report ng Lipa City police, dala ng mga biktimang sina Lourence Arandia at Nick Domingo ang pera na nakasilid lamang sa eco bag para ideposito sa banko.

Sakay ang mga ito ng electronic bike nang sundan ng mga suspek na magkaangkas sa isang Badja na motorsiklo sa bahagi ng Barangay 11.

Binangga ng mga suspek sa likuran ang E-bike kaya tinangka pa ng nagmamanehong si Lourence na takasan ang mga suspek subalit hinabol sila ng mga ito at tinutukan ng baril.

Sapilitang inagaw ng mga suspect ang eco bag kay Domingo at natangay ang milyong pera na pag-aari ng negosyanteng si Madelaine Arandia na idedeposito sana sa hindi na kalayuang UCPB Bank. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.