Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P4T budget hihimayin kung siningitan para sa eleksyon

0 97

Sang-ayon ang mga senador na bulatlatin ang panukalang P4.5 trilyong budget ng gobyerno para sa 2021 lalo pa at bisperas ng eleksyon sa susunod na taon.

“Bisperas ng election. Kaya `yong Senado talagang titingnan ito [2021 national budget] baka po `yong mga budget ay para sa election,” pahayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa radio interview sa kanya nitong Sabado.

Binanggit ni Drilon ang ibinunyag ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson hinggil sa mga nakita nitong lump sum appropriation sa panukalang 2021 national budget, partikular sa pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na labag sa desisyon ng Supreme Court.

“Ang balita namin, ito ay mga lump sum kasi hindi umabot `yong submission ng mga regional offices ng DPWH na galing din sa mga congressmen. Ang sabi po ng DBM ay magsusumite sila ng detalye. Titingnan natin. `Yong lump sum dito ay labag sa decision ng Korte Suprema. Mahigit P469 bilion ang sabi ni Sen. Lacson. Ito po ay nakalagay sa various infrastructure, locally funded project,” sabi ni Drilon.

Ibinunyag din ni Lacson noong Biyernes na kaya umano naantala ang pagsusumite ng DPWH ng kanilang 2021 budget ay dahil mayroon umanong mga mambabatas nan agha-“haggle” pa sa pondo.

Sang-ayon din si Senador Sonny Angara na kailangang busisiing mabuti ang 2021 national budget.

“Kailangan klaruhin ng DBM [Department of Budget and Management] at DPWH

DPWH kung itong ni-reappropriate o continuation ng project from last year dapat maiklaro,” pahayag ni Angara.

Katulad ni Lacson, hindi rin umano papayagan ni Angara na makalusot ang mga lump sump appropriation at kailangang malinaw na nakasaad dapat kung paraan saan gagamitin ang pondo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.