Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P5.1B COVID bakuna nasayang lang

0 93

Nanghihinayang ang isang grupo ng mga negosyante dahil nasayang lang at hindi napakinabangan ang mahigit P5.1 bilyong halaga ng COVID vaccines na binili ng pribadong sektor para sa mamamayang Pilipino.

Mahigit 4.2 milyong Astrazeneza at Moderna vaccines ang nag-expire nitong katapusan ng Hulyo dahil sa kabagalan umano ng HTAC o Health Technology Assessment Council na pagdesisyunan ang paggamit ng second booster sa mga grupong dapat na makatanggap nito.

Bukod dito, bumagal din ang vaccine rollout laban sa COVID19 matapos bumaba sa puwesto si dating Pangulong Rodrido Duterte Jr.

Tila ba nawala ang sigasig ng Department of Health (DOH) pagpasok ng bagong administrasyon dahil humina at bumaba ang bilang ng mga nagpapabakuna ng booster shot bilang dagdag na proteksiyon laban sa COVID19.

Maging ang dating miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) na si dating Presidential Spokesman Harry Roque ay nadismaya at nanghihinayang sa nag-expire na mga bakuna.

Isa ang IATF sa aktibong nagsusulong noon para mabakunahan ang mayorya ng populasyon upang mapahina ang bagsik ng virus kapag marami ang nakatanggap ng proteksiyon laban sa COVID19.

Hindi man direktang sinisisi ang HTAC, hindi pa rin naiwasan ng mga negosyante na maglitanya dahil sila ang bumili ng nga bakuna para makatulong noon sa gobyerno at para maabot agad ang target population protection .

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Sa ganitong paraan ay makapagsimula muli ang Pilipinas at makabangon mula sa pagkalugmok ng ekonomiya.

Sana ay hindi na maulit ito lalo na sa mga bakunang binili ng gobyerno dahil bawat sentimong masayang ay katumbas ito ng hirap sa buwis ng mamamayan.

Kailangan din makipagtulungan ang publiko at tumugon sa mga panawagang magpa-booster shot para lahat ay makausad na at makapagsimula muli ng kanilang buhay matapos ang krisis na idinulot ng COVID pandemic.

Tumataas muli ang mga kaso ng COVID19 sa bansa kaya ipinag-utos ni President Ferdinand Marcos Jr. na ilarga muli ang vaccination rollout para sa booster shot ng mamamayan.

Itotodo na ang pamamahagi ng second booster shot ng COVID vaccine pero batay sa record ng DOH, marami pa ring mga Pinoy ang hindi tumanggap ng kanilang unang booster shot sa pag-aakalang sapat na ang kanilang primary at secondary doses ng vaccine laban sa COVID19.

Huwag na po tayong maging pasaway at pilosopo sa COVID vaccine dahil ito ang nagligtas sa buhay ng maraming Pilipino at nagbigay ng proteksiyon para hindi mapinsala at mabura ng maaga sa mundo.

Nandiyan pa ang banta ng COVID 19 kaya magpabakuna para sa kaligtasan at huwag mag-urong sulong hanggat ito ay libre pang ibinibigay ng gobyerno.

Leave A Reply

Your email address will not be published.