Abante Tonite Interactive

P500 suweldo sa COVID frontliner insulto

735

Inangalan ng mga netizens ang alok na P500 kada araw na suweldo para sa mga gustong maging `health warriors’ ni Health Secretary Francisco Duque III.

Sinabi ni Ron Baticulon, isang pediatric neurosurgeon sa kanyang Twitter accounts : “In the Philippines, the Department of Health is looking for volunteer “Healthcare Warriors.” For doctors, this means going to work for 8 hours x 14 days, with rest for 14 days after. Salary: P500 (US$10) per day, for putting our lives on the line.”

Ayon naman sa isa pang medical peactitioner na si Feancisca Sy,sa pakiramadam niya ay isang pagpapakita lamang ito ng DOH ng kawalan ng respeto sa mga medical professionals.

“Unbelievable, Sir. An insult to all the years of studying, sacrifice, and self-funded training. I’m sorry, but it is what it is,” ayon kay Sy.

Iginiit naman ni @mitchiwashere, isang nurse, napaiyak siya nang marinig ang naturang balita .

“Ang sakit Doc. ’08 pa ganyan kalakaran palakasan. May kakilala sa Mayor. Nakakaiyak. Umiiyak na di mo man lang deserve yung minimum. Sa magsasabing kung ayaw mo di wag. Please wag naman i-devalue ng ganiyan. We’ve done years of volunteer works. Wag nila kaming kwentahan.”

Nabatid na sinabi ng DOH na ang mga volunteers ay itatalaga sa Lung Center, Philippine General Hospital, at Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital.

Nabatid na bukod sa P500 na arawang suweldo , pinangakuan rin ng DOH ng libreng pagkain, sleeping quarters,ipinangako ng DOH na sa ilalim ng emergency powers ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagkakalooban ng P100,000 ang sinuman ghealth workers na mahahawa ng virus at P1 milyon naman sa masasawi.

Nabatid na ang mga hHospitals ay naging high-risk na lugar di lamag dahil sa kawalan ng Protection Protective (PPE) Equipment sa mga fronrliners at testing kits na laan para sa rontliners .

Ang trabaho ng mga health warriors ay nangangahulugan umano ng isolation mula sa kanilang mga mahal sa buhay na maarinpang mauwi sa depresyon.(Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad