Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P500M pekeng bag nasamsam sa Tondo

0 451

Isang bodegang nag-iimbak ng tinatayang P500 milyong halaga ng mga pekeng mamahaling item sa Tondo, Maynila ang sinalakay ng Bureau of Customs (BoC).

Gamit ang Letter of Authority (LOA) No. 07-06-049-2020 na nilagdaan ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, sinilip ang elemento ng Intellectual Property Rights Division, sa ilalim ng BOC Intelligence Group (IG) , siniyasat ang bodega sa pakikipagtulungan ng Local Police at Barangay Officials.

Ang operasyon ay isinagawa dahil sa impormasyon at reklamo mula sa MANLED Legal Consultancy Services, ang awtorisadong kinatawan ng luxury retail company globally tulad ng Louis Vuitton.

Natagpuan sa loob ay mga item na replika ng mga brand na Lacoste, Gucci, Balenciaga, Kate Spade, Tory Burch, Hermes, Coach, Burberry, Givenchy, Prada, and Calvin Klein, at Marc Jacobs.

Ang mga samples ay ipinadala sa kinatawan ng mga nabanggit na brand owner upang beripikahin ang authenticity nito.

Sa kasalukuyan, ang mga tauhan ng Intellectual Property Rights Division ay nagsasagawa ng imbentaryo ng mga nasamsam na produkto at inaalam ang posibleng kaso na isasampa kaugnay sa RA 1086 na kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.