Abante Tonite Interactive

P500M sa MASA MASID ng DILG pinaiimbestigahan sa Senado

By
0 691

Nais ni Senador Leila de Lima na imbestigahan ng Senado ang aniya’y ‘zero accomplishment’ ng P500 million community-based anti-corruption at anti-drug program ng Department of the Inte­rior and Local Government (DILG).

Sa kanyang Senate Resolution No. 807, i­giniit ni De Lima ang pagsasagawa ng im­bestigasyon sa Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Ilegal na Droga (MASA MASID) project ng DILG.

“In the midst of the administration’s controversial campaign against criminality and drugs, disbursement of funds for programs should be transparent and implemen­ters accountable to dispel spe­culation on the lawfulness of public expenditures,” saad ni De Lima.

Sa audit report aniya ng Commission on Audit (COA), natuklasan na ginamit ng DILG P500 mil­yong pondo noong 2017 para sa MASA MASID pero wala naman itong accomplishment report.

Binigyang-diin ni De Lima ang report ng COA na bigo ang DILG na magsumite ng liquidation report.