Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P50K kada buwan! Maynila Top 3 pinakamahal gastusin sa SEA

0 390

Nasa ikatlong spot ang Maynila sa mga lungsod sa Southeast Asia kung saan pinakamagastos manirahan, ayon sa isang pag-aaral.

Sa pananaliksik ng iPrice Group sa anim na pinakamalaking market sa SEA, sa database ng Numbeo, napag-alamang pangatlo ang Maynila sa may pinakamahal na gastusin ng mga nakatira roon.

Anila, P50,798 ang tinatayang average cost of living kada buwan ng mga taga-Maynila, bawat isang tao. Kabilang na sa tala ang budget para sa renta, pagkain, transportasyon, at utilities.

Ito ay 168 porsiyentong mas mataas sa estimated average net salary ng taga-Maynila, na ayon sa ulat ay nasa P18,900 kada buwan. Ito ang pinakamababang net salary sa 6 lungsod na kabilang sa report.

Samantala, Singapore ang may pinakamataas na cost of living sa mga sinuring SEA city, sa P119,732 kada buwan. Sinundan ito ng Bangkok, Thailand sa P51,517 kada buwan.

Mas mataas naman ang gastusin ng pagtira sa Maynila kumpara sa Jakarta, Indonesia (P41,026), Ho Chi Minh, Vietnam (P39,608), at Kuala Lumpur, Malaysia (P38,314).

“Given the prices stated above, it leaves us wondering how comfortable Filipinos residing in Manila really are,” saad ng iPrice.

“The average cost of living is 168 percent higher than the average salary, so it comes as no surprise that about 35 percent of Metro Manila’s population is reported to live in unstable, badly constructed shelters in the slums and 11 percent of them reside near railroads or garbage dumps,” ayon pa sa ulat. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.