Abante Tonite Interactive

P50K nakataya sa LPC Fastest Win — Camigla

0 277

Magkasunod ang Fastest Win One-Cock Ulutan at Pitmasters Live sa air-conditioned Las Piñas Coliseum ngayong bandang alas-nuwebe nang umaga.

Nakataya ang P50,000 habang P550 ang entry fee sa palaban nina Willie Camigla at Atoy Ko.

Isusunod agad sa alas-dos nang hapon ang Pitmasters Live at puwedeng makisali sa aksyon dito sa 12 Pitmasters kiosks.

Marami naman na ang sasali sa Happy Birthday Papa Mayor 3-Cock Derby ni businesswoman Budjit Aguilar sa Marso 12 na P5,500 ang entry fee at P4,400 ang minimum bet.

Sa iba pang mga detalye, makipag-ugnayan kina Grace at Julius sa 8873 1040, 0929 1800960 at 0915 3582076. (Enjel Manato)