Abante Tonite Interactive

P50K nakataya sa Ulutan nina Christian, Sayaman

221

Kumakalansing na P50,000 ang mapapanalunan sa pang-Sabadong edisyon ng Fastest Win One-Cock Ulutan ngayon, Pebrero 22 sa malamig na Las Piñas Coliseum.

Alas-nuwebe ng umaga ang umpisa ng pasabong na ito nina Roy Christian at Egay Sayaman na may registration fee na P550.

“Sigurado ang 100 entries dito. Maraming entries sa LPC,” ani llamador Cris Villanueva, dinagdag na isusunod bandang alas-dos ng hapon ang Pitmasters Live at puwedeng makisali sa aksyon sa 12 Pitmasters kiosks.

Sa Marso 12 naman ang bagong iskedyul ng Happy Birthday Papa Ma­yor 3-Cock Derby ni businesswoman Budjit Aguilar, na may P5,000 entry fee at P4,400 minimum bet.

Makakabatid ng iba pang detalye kina Grace 1 at Julius sa 8873 1040, 0929 1800960, 09153582076. (Enjel Manato)