Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P50M barya, mga luxury car bumulaga sa QC warehouse

0 142

Tinatayang nasa P50 milyong halaga ng mga sako-sakong barya at limang luxury car ang bumulaga sa mga awtoridad matapos salakayin ang isang warehouse sa Barangay Laging Handa, Quezon City.

Base sa ulat, ikinasa ang pagsalakay ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Customs (BOC) matapos umano ang mahigit dalawang buwan na isinailalim sa masusing surveillance ang naturang lugar.

Nabatid na bumulaga sa mga awtoridad pagpasok nila sa lugar ang mga sako-sakong bigas at natagpuan din ang limang luxury car na tinatayang aabot sa P100 milyon ang halaga.

Bukod sa mga nakasako, ang ibang barya ay nakasilid sa plastic.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay BOC Intelligence Division chief Joel Pinawin, hindi pa nila matukoy kung para saan ginagamit ang mga sako-sakong barya.

Subalit isa sa mga sinisilip umano nilang anggulo ay money laundering dahil ang ganito karaming barya ay karaniwang nanggagaling sa iligal na sugal.

Napansin din ng mga awtoridad na wala umanong mga plaka ang mga nakitang luxury card at wala ring conduction sticker ang mga ito.

Kinandado ang lugar habang binigyan naman ng 15 araw ang mga may-ari nito upang magpaliwanag sa mga nadiskubreng sako-sakong barya na hinihinalang galing sa iligal at gayundin ang walang plaka na mga luxury car.

Leave A Reply

Your email address will not be published.