Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P50M barya owner puwede mabawi ang pera – BSP

0 63

Bagsak sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang P50 milyong tigpipiso na kinuha kamakailan ng joint team ng BSP, Bureau of Customs, National Bureau of Investigation at Philippine Coast Guard mula sa isang warehouse sa Quezon City.

Ayon sa BSP, nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang NBI at BOC tungkol sa bulto-bultong coins na natagpuan sa warehouse at depende sa resulta nito kung kukumpiskahin sa may-ari o papalitan ng pera.

SM food to go Banner Ad

Nabatid sa BSP na ang pag-inspeksyon sa warehouse sa Scout Tuazon sa Brgy. Laging Handa sa Quezon City kung saan natunton ang mga barya ay ginawa sa bisa ng letter of authority na inisyu ni BOC commissioner Rey Leonardo Guerrero. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.