Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P50M shabu pinabiyahe ng preso

0 86

Nasabat ng magkasanib na puwersa ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency ang halos P50M halaga ng shabu sa buy bust operation kahapon sa Tipolo Ville, Barangay Guadalupe, Cebu City.

Nakumpiska ang P47.6 milyong shabu na tumitimbang ng 7-kilo at isinilid sa Chinese tea bag. Kasabay nito ang pagkakadakip kina Rolando Romeo, 32; Calving Valdez, 42, at Eduard Romeo, 24, pawang residente sa nasabing barangay.

Nabatid sa City Police Director na si Josefino Ligan na bago isinagawa ang operasyon ay isinailalim muna ito sa 2-buwang surveillance.

SM food to go Banner Ad

Napag-alaman pa na nagmula ang bultong shabu sa San Carlos City, Negros Oriental na sinalubong umano ng suspek na si Romeo pagdating sa Toledo City Port.

Ang nakumpiskang droga ay sinasabing nagmula sa isang bilanggo sa New Bilibid Prison.

Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act o RA 9165.

Leave A Reply

Your email address will not be published.