Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P510M hiling sa elite sports

0 80

Hiniling ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang dagdag na P510M badyet para sa elite sports sa 2021 dahil sa malaking tsansa ng bansa na mapanalunan ang unang Olympic gold medal sapul noong 1924 sa nalalapit na 2021 Tokyo Games.

“Tokyo could be that host city where the country could win not one, not two, but probably more Olympic gold medals in 2021. And along this line, the athletes need all the support in their bid to accomplish what has never been achieved before,” giit ng Cavite Eight District Representative nitong Huwebes Tolentino sa kanyang interpellation sa 2021 proposed budget ng Philippine Sports Commission (PSC).

Humiling ang PSC para sa tradisyunal na iniendorso ng Department of Budget Management na P207M para pa lang sa operasyon at pasuweldo ng mga tauhan. Hiwalay pa ito sa P510M para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Japan at 31st Southeast Asian Games 2021 sa Vietnam. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.