Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P556B pinahuhugot sa 2021 budget para ayuda

0 250

Nanawagan si Senador Franklin Drilon sa Department of Budget and Management (DBM) na i-realign ang hindinagamit na special purpose fund at unobligated o unreleased na pondo mula sa 2021 General Appropriations Act para sa panukalang wage subsidy at pagpapalawig pa ng ayuda sa mga mahihirap.

Ito’y matapos ihayag ng pamahalaan ang pinaplantsang P24 bilhyong wage subsidy para sa mga manggagawa sa pribadong sektor na sinuportahan naman ni Drilon.

Ayon kay Drilon, 4.4 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho noong 2020, katumbas na 10% unemployment rate.

Sa kanyang pag-aaral umano sa 2021 national budget, may P556.59 bilyong item dito ang maaaring ilipat para mapondohan ang kinakailangang ayuda sa pribadong sektor at mga mahihirap ng Pilipino.

Tinukoy ng senador ang ilan sa mga item na puwedeng i-realign ay ang special purpose fund na kinakailangan lang aprubahan ng Pangulo para mailabas at magamit, kabilan ang P13 bilyong contingency fund at P4.5 bilyong confidential at intelligence fund.

Maaari rin aniyang bawiin ang P19 bilyong anti-surgency fund, kung saan P16.4 bilyon nito ay mapupunta sa 800 insurgency-free barangay.

Binanggit din ni Drilon ang malaking alokasyon para sa iba’t ibang infrastructure project sa ilalim ng pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na puwedeng gamiting ayuda para sa mga Pilipinong kumakalam ang sikmura. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.