Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P55M multa sa traffic violation `di nakolekta ng LTO

0 65

Aabot sa P55.5 milyong multa sa mga traffic violation ang hindi nakolekta ng Land Transportation Office (LTO) sa nakalipas na 20 taon, ayon sa Commission on Audit (COA).

Sabi ng COA, umabot na sa 45,588 driver’s license at 9,952 plaka ang kinumpiska ng LTO simula pa noong 2000 na hindi na tinubos.

Hindi umano nakolekta ang mga multa na aabot sa P55.5 milyon at pinayagan pa ang ibang may-ari nito na mabigyan ng duplicate na driver’s license o mag-renew ng lisensiya at registration ng kanilang sasakyan kahit hindi nagbabayad ng multa.

Ang mga driver’s license ay kinumpiska umano dahil sa paglabag sa batas trapiko. Kinumpiska rin ang mga plaka dahil sa paglabag sa batas trapiko gayundin sa Philippine Clean Air Act.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ng COA, nakatimbre naman ang mga driver’s license at plaka na kumpiskado ngunit napapayagan pa ring ma-renew ang mga ito. Ina-upload kasi ang mga hindi tinubos na lisensiya at plaka at dapat pinababayaran muna ito bago ma-renew.

Ayon pa Republic Act No. 4136 o Land Transportation and Traffic Code, sinususpinde dapat ang mga lisensiya kapag hindi naayos ng driver ang kaso sa loob ng 14 araw ng pagkakahuli.

Dagdag pa ng COA, nawalan din ng dahilan ang mga taong tubusin ang kanilang plaka nang inumpisahan ang Motor Vehicle License Plates Standardization Program (MVLPSP) ng LTO.

Inirekomenda ng COA na higpitan ang monitoring ng mga taong may kumpiskadong lisensiya at plaka, at huwag dapat silang payagan mag-renew kapag hindi bayad ang multa. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.