Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P5B dagdag sa calamity fund OK sa 3 senador

0 162

Tatlong senador ang nagpahayag ng kanilang pagpabor sa panukala ng House of Representatives (HOR) na dagdagan ang calamity fund nang mahigit P5 bilyon para sa taong 2021.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairperson ng Senate Committee on Finance, sang-ayon siya sa panukala ng Kamara na talakayin ang dagdag ng pondo para sa calamity fund bicameral conference committee meetings.

“It shouldn’t be a problem to agree on that or maybe even higher given recent events,” pahayag ni Angara.

Sa House version ng General Appropriations Bill, nagkalaan ng P20 bilyon para National Disaster Risk Reduction and Management Fund o Calamity Fund.

Dinagdagan naman ito ng P1 bilyon sa report ng Senate Committee on Finance.

Nauna nang sinabi ni Angara sa kanyang sponsorship speech noong nagdaang lingo na aabot sa kabuuhang P27 bilyon ang pondo para sa calamity fund at quick response fund na nakalagak sa iba’t ibang ahenisya ng gobyerno.

Sabi ni Senador Panfilo Lacson, bukod sa P5 bilyon dagdag na calamity fund, itinutulak din nito ang direktang tulong sa local government units na labis na tinamaan ng bagyong Rolly, Quinta at Ulysses.

Isinusulong din nito magkaroon ng hiwalay na item na P20 bilyon sa ilalim ng Allocation to Local Government Units-Local Government Support Fund na gagamtin sa post-disaster rehabilitation at reconstruction effort.

“The Department of the Interior and Local Government has been required to provide my office a list of the itemized PAP’s (Programs, Activities and Projects) to be funded by the P20 billion as a requirement for the utilization of the said amount,” sabi ni Lacson.

Nauna nang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na pabor siyang dagdagan ang pondo para sa calamity fund sa halip na magbuo ng panibagong departamento tulad ng Department of Disaster Resilience. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.