Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P5B gagamitin ng DILG sa 50K contact tracer

0 192

Hinihintay pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang P5 bilyong pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 para makapag-hire ng karagdagang 50,000 contact tracer.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, target nilang makapagsimula na kumuha ng mga dagdag na contact tracer sa Setyembre, sa sandaling mailabas na ang nasabing pondo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“`Pag ito [pondo] ay na-release na ng DBM [Department of Budget and Management] sa amin ay maglalabas na kami ng qualifications for contact tracers. Siguro sa September puwede na kami mag-hire,” pahayag ni Malaya.

Sa ngayon aniya ay mayroon nang 85,000 contact tracer sa buong bansa ngunit kinakailangan pa nila ng karagdagang 50,000 para maabot ang target ng pamahalaan na magkaroon ng 135,000 contact tracer. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.