Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P5B pambili bakuna ihahanda sa Bayanihan 2

0 352

Inihayag ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na dapat maglaan ng P5 bilyon para sa COVID-19 bakuna sa ilalim ng panukalang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Sigurado aniyang papaya naman si Finance Secretary Carlos Dominguez na dagdagan ang pondo para sa COVID bakuna na sa ngayon ay nasa P1.4 bilyon lamang.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Binigyang-diin ni Zubiri ang kahalagahan ng bakuna sa COVID-19 dahil makakatulong aniya ito para makabangon ang ekonomiya ng bansa.

Importante rin niya na mapaglaanan ng pondo ang COVID bakuna sa ilalim ng Bayanihan 2 para hindi na kailangang maghintay pa ng gobyerno sa pag-apruba ng national budget para sa 2021 para mabili ito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.