Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P5M imported kush buking sa package

0 188

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang claimant ng isang kilo ng kush marijuana na nagkakahalaga ng P5 milyon.

Sa isinagawang joint controlled delivery operation sa FedEx customs bonded warehouse sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), natuklasan ng customs examiner ang package na dumating mula sa Spain na may lamang kush marijuana nitong Setyembre 18. Naka-address ito sa Cebu City kaya agad na inalerto ang PDEA at BOC sa region 7.

SM food to go Banner Ad

Base sa record, ang package ay dineklarang shisha, na pinadala ng isang Richard Mrozek at naka-consigned sa isang Mateo Abato ng Cebu City.

Naaresto ng Inter-Agency Drug Investigation Task Group at ng Region 7 intelligence group ang claimant nito na nakilalang si Jan Robert Pareles sa Brgy. Bangladesh, Cebu City nitong Miyerkoles. (Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.