Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P5M kumot `kuno’ na ecstasy buking

0 59

Nasabat ng tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang halos P5 milyong pisong halaga ng ecstacy sa Central Mail Exchange Center (CMEC) kahapon.

Ayon sa PDEA, dumating ang isang package na nagkakahalagang P4.8 milyon mula sa Netherlands at ito ay dineklarang ‘blanket’ kung saan nakasingit ang pakete na naglalaman ng 2,787 pirasong ecstacy o party drug.

Ang shipper ng nasabing ilegal na droga ay naka-consign sa isang Susan Lumbao ng Malate, Manila at ang shipper ay nagngangalang Mary Bumbao Edward ng Krekstraats 8, City. Abcoude, Netherlands.

SM food to go Banner Ad

Naaresto naman sa isinagawang control delivery ng PDEA at BoC- NAIA ang nagngangalang Ron Ron Salonga ng Port area Manila sa Lawton post office na nagsisilbeng claimant ng naturang party drugs.

(Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.