Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P5M puslit na paputok byaheng Crame na

0 310

Dinala na ng Bureau of Customs – Port of Manila (BOC-POM) ang mga nasamsam na puslit na mga paputok sa Philippine National Police – Firearms and Explosives Office sa Blasting Site sa bahagi ng Sta. Juana sa Capaz, Tarlac.

Lulan sa 40-foot container van ang mga iligal na paputok na nagkakahalaga ng P5 milyon.

Nabatid na naka-consign ang shipment sa Wealth Lotus Empire Corporation at unang idineklara bilang plastic bins.

Nilabag nito ang Republic Act 7183 o An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices and Section 1113 (f) ng Republic Act 10863 o CMTA (Property subject to Seizure and Forfeiture). (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.