Abante Tonite Interactive

P5M shabu nasamsam sa Pasay, 6 arestado

276

Umaabot sa mahigit P5 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa anim na sinasabing mga drug dealer sa Barangay 76, Pasay City, Linggo ng hapon.

Bandang alas-2:30 ng hapon nang ikasa ang buy-bust operation sa
Diokno Boulevard sa Brgy. 76 ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Pasay City Police Station sa pangunguna ni Police Capt. Deni Mari Pedrozo.

Nakilala ang mga nasakote na sina Nasrip Aiman, 25; Rakiin Benito, 40, binata, ng Sta. Rosa, Laguna; Noe Ababa, 30, binata, construction worker,­ ng Libon, Albay; Abdul Didagon, 25, mangingisda at taga-Pampanga; Florando Capistrano, 20, construction worker na taga-Caloocan City;
at Erickson Alueta, 36, binata, driver at taga-Caloocan City.

Ayon kay Pasay City Police chief Col. Bernard Yang, una silang nakatanggap ng impormasyon tungkol sa malakihang pagtutulak ng droga ng mga suspek.

Matapos ang ilang araw na pagmamanman ay nagpositibo ang binigay na impormasyon kaya ikinasa ang buy-bust laban sa mga suspek.

May 10 piraso ng mga transpa­rent plastic sachet na naglalaman ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek. Nakuha rin sa kanila ang isang timbangan, tatlong plastic bottle na naglalaman ng mga tableta, pitong bundle ng hindi pa gamit na mga transparent plastic sachet, notebook na may mga pangalan umano ng kanilang mga kliyente.

Narekober din sa mga suspek ang isang Toyota Fortuner na may conduction sticker VB 3815.

Umaabot sa P5 milyon ang kabuuang halaga ng mga nasamsam na shabu. (Dolly Cabreza)