Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P6.5M Prada, LV bag pinuslit sa NAIA

0 71

Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang P6.5 milyong halaga ng mga luxury o mamahaling bag at sapatos na idineklarang shampoo, gayundin ang sari-sari pang accessory, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa BOC, ang shipment ay mula sa Maisons-Alfort sa France at naka-consign sa isang Reynaldo Tan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kabilang sa nasamsam ang mga mamahaling brand na Prada, Gucci, Hermes, Louis Vuitton (LV), Chanel, Christian Dior at Valentino. Tinangka umanong ipuslit ang kargamento para maiwasan ang pagbabayad ng dagdag na buwis.

“The misdeclaration is an apparent attempt to evade the payment of correct duties and taxes through the use of falsified/spurious documents and circumvent the duty- and tax-free privileges afforded to balikbayan boxes,” ayon pa sa BOC. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.