Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P6.8M droga nasamsam sa parking lot ng mall

0 459

Tinatayang P6.8 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug pusher sa isinagawang buy bust operation sa parking lot ng isang kilalang mall sa Dasmarinas City, Cavite.

Kinilala ang mga naaresto na sina Omair Dibaratum, 25, ng Brgy. Salinas 1, Bacoor City, at Joshua Sarmiento, ng Brgy. Datu Ismael, Dasmariñas City.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4A, alas-2:45 kamakalawa ng hapon nang isinagawa ang buy-bust operation sa parking lot ng isang kilalang mall sa Brgy. Burol 1, Congressional Road. Dito nagkaroon ng transaksiyon sa pagitan ng poseur buyer at mga suspek na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang tinatayang 100 gramo ng shabu na may street vaue na at buy-bust money.

Kasong paglabag sa RA 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap ng mga suspek. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.