Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P6.8M shabu nasamsam sa Antipolo

0 105

Umaabot sa P6.8M halaga ng shabu ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng PDEA at Antipolo PNP mula sa naarestong drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa Antipolo City kamakalawa ng gabi.

Nalambat ang target-listed drug personality na si John Lennon Tadena y Talledo, 23, ng San Isidro, Antipolo City.

Ayon sa ulat, Huwebes ng alas-9:00 ng gabi nang isagawa ang buy bust sa harapan ng isang convenience store sa kahabaan ng NHA Avenue, Bagong Nayon II, Barangay San Isidro, Antipolo City matapos makipagtransaksyon ang isang operatiba sa suspek para makabili ng droga.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.