Abante Tonite Interactive

P60K sa LPC White Dragon 1-Cock Ulutan — Camigla

403

Higit 100 entries ang inaasahan sa Las Piñas Coliseum kaugnay ng “White Dragon LR Fastest Win One-Cock Ulutan” ngayon taya ang premyong P60,000.

Pampagana sa unang 20 winners ang P1,000 bawat isa at P15,000 sa any three wins, hati-hati.

Pasabong ito ni Willy Camigla and company na may entry fee na P600 habang P3,300 ang minimum bet.

Sa LPC ang “Bunso 3-Cock Derby” sa May 29 na malamang may 40 entries pataas. Si businesswoman Budjit Aguilar ang host nito na may entry fee na P4,400 at P250,000 ang papremyo.

Sa May 28 ang submission ng entries na dapat may 1.8 kgs. hanggang 2.4 kgs ang bawat manok, mula 10 a.m.-6 p.m.

Tawagan lang para sa iba pang mga impormasyon sina Grace 1, Grace 2 at Julius sa 873-1040, 0929-1800960, 0939-1376455, at 0915-3582076.(Enjel Manato)