Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P60M paputok sinurender sa PNP

0 59

Isinurender na ng Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Manila International Container Port (MICP) sa Philippine National Police – Firearms and Explosives Office (PNP-FEO ang tinatayang P60 milyong halaga ng “pyrotechnics” o mga paputok na kanilang nasamsam upa tuluyan itong sirain.

Nabatid na nasa labindalawang 40-foot container na puno ng iba’t ibang klase ng paputok ang itinurn-over ng BOC sa PNP kung saan naka-consign ang mga kontrabando sa Grinder Stone International Trading at Stellant Corporation.

Kinumpiska ang nasabing mga kontrabando bunsod na rin ng misdeclaration at pag-abandona ng mga consignees dahil sa kawalan nila ng kaukulang permit.

“As a consequence, these importations violated Republic Act 7183 “An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices” consistent with Section 5 of EO No. 28 which provides that “ the PNP, in coordination with other concerned agencies and the local government units shall be primarily responsible for the enforcement of RA 7183 and this Order which shall include the conduct of inspections and confiscations and destruction of prohibited firecrackers and pyrotechnics in accordance with law,” ayon sa BOC.

Leave A Reply

Your email address will not be published.