Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P63B sa Bayanihan fund binuro – Lacson

0 160

Umabot umano sa P63 bilyon ang underspending sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 kung saan P46.397 bilyon ang undisbursed at P17.273 naman ang unobligated, ayon kay Senador Panfilo `Ping’ Lacson.

Ito ang idinetalye ni Lacson matapos ang isinagawang research sa isyu matapos ang aniya’y maling akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa underspending ng gobyerno.

“We should keep in mind that underspending is determined not by fund releases but by obligations and disbursements. And based on my research, is there underspending? Yes!” pahayag ni Lacson.

Punto pa ng senador, ang paglabas ng pondo ng Department of Budget and Management (DBM) sa mga ahensiya ay hindi ‘terminant’ ng underspending dahil ang pondo ay nanatili sa ahensiya at hindi sa benepisyaryo. Sa halip, ang underspending ay dapat ibase sa obligation at disbursement.

SM food to go Banner Ad

Batay sa datos mula sa DBM, sinabi ni Lacson na ang P205.117 bilyon sa ilalim ng Bayanihan 2, ang mga ahensiya ay nakakuha ng obligation na P187.844 bilyon o obligation rate na 75.30% at 24.7% pa dito ang hindi nailalabas.

“This can be considered huge underspending with P46.397 billion undisbursed and P17.273 billion unobligated,” sabi ni Lacson.

Dahil sa underspending sa pondo ng Bayanihan 2, napagkaitan umano ng kinakailangang tulong ang marami sa mga Pilipino kabilang ang online learning program ng Department of Education (DepEd) at tulong pinansiyal para sa mga public utility vehicle (PUV) driver. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.