Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P66M smuggled gulay naharang Subic

0 37

Nasabat ng Bureau of Customs ang dalawang container shipment sa Port of Subic na naglalaman ng mga smuggled na gulay.

Nag-ugat ito matapos makatanggap ng report ang BOC hinggil sa paparating na shipment na naka-consign sa JKJ International Co. at EMV Consumer Goods Trading.

Naglalaman ito ng mga agricultural product na nagkakahalagang P66 milyon.

SM food to go Banner Ad

Batay sa pagsusuri, ang laman ng shipment ay broccili, red onions, mushroom, sweet oats at carrots.

Naglabas na ang BOC ng warrant of seizure and detention laban sa nasabing shipments dahil sa paglabag sa Department of Agriculture Circular No. 04 Series of 2016 at Section 1113 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.