Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P68M shabu sa tea pack sinamsam sa buntis, 4 pa

0 265

BULACAN-Tinatayang aabot sa P68 milyong halaga ng shabu na nakalagay sa tea pack ang narekober ng pinagsanib na puwersa ng PDEA-Bulacan, Provincial Intelligence Branch (PIB) ng Bulacan PNP at Meycauayan City police sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Barangay Pandayan, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na report kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nakilala ang mga naarestong sina MJ Principe, 6-buwang buntis ng Town and Coutry sa Marilao;at kanyang mga kasamang sina alias Bernard,Kevin,alias Nick at Clifford na residente sa Meycauayan City at Maynila.

Nabatid na magdamag na pinostehan ng PDEA at Intell operative sa pangunguna ni P/Major Jansky Andrew S. Jaafar,hepe ng PIB-Bulacan at P/Lt.Col.Bernardo Pagaduan,Meycauayan City police chief, ang pagdating ng mga suspek lulan ng pribadong sasakyan malapit sa service road ng NLEX sa Barangay Pandayan ng nasabing lungsod kung saan kumagat sa buy-bust operation ang limang suspek na kinabibilangan ng buntis na si Principe.

Nang maikasa ang buy-bust operation at gamit ng awtoridal ang boodle money ay dito na inaresto ng pulisya ang mga suspek at narekober sa kanilang sasakyan ang sampung malalaking pakete ng tea pack at dito nakalagay ang shabu na humigit -kumulang sa sampung kilo ang bigat at nagkakahalaga ng P68-milyon.

Nakapiit ngayon ang mga naaarestong suspek na mga big-time drug dealer at ang pagkakadakip sa mga drug suspect ay bunga ng mas pinatinding Intelligence operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Bulacan, Bulacan PIB at Station Drug Enforcement Unit (SDEU)ng Meycauayan City police. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.