Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P6B ayuda ibubuhos sa 6 milyong pobre

0 136

Inanunsiyo kahapon ng Department of Budget and Management (DBM) na inilabas na nito ang P6.2 bilyong pondo para sa unang targeted cash transfer o ayuda sa mga mahihirap na Filipino.

Sabi ng DBM, anim na milyon sa pinakamahihirap na Pinoy ang makikinabang sa naturang pondo para matulungan sila ngayong sumisirit ang presyo ng mga produktong petrolyo at iba pang mga bilihin.

Ayon sa DBM, apat na milyon sa mga benepisyaryo ang sakop ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps habang habang ang dalawang milyon ay ang mga kumukuha ng pension.

SM food to go Banner Ad

Paliwanag pa ng kagawaran na P500 kada buwan ang tatanggapin dapat ng mga benepisyaryo sa loob ng anim na buwan at tatlong beses nila itong matatanggap.

Ang unang tranche para sa P1,000 ay ipamamahagi sa pamamagitan ng cash card na inisyu ng Land Bank of the Philippines.

Inisyu ng DBM ang Special Allotment Release Order no. 22-0005405 para sa P6.2 bilyong ayuda noong Hunyo 27 ngunit wala pa ang Notice of Cash Allocation para dito. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.