Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P6K minimum suweldo ng kasambahay tinulak

0 206

Nais ng Department of Labor and Employment (DOLE) na gawing P6,000 ang minimum salary ng mga kasambahay sa buong bansa mula sa kasalukuyang suweldo na tinatanggap ng mga ito na naglalaro sa P2,000 hanggang P3,000.

Sa virtual yearned press conference ng DOLE nitong Huwebes, sinabi ni Secretary Silvestre Bello III na kung hindi kayang magpasuweldo ng isang employer ng P6,000 ay huwag na silang kumuha ng kasambahay kung sasahod lang ng P2,000 hanggang P3,000 na masyadong mababa.

Sa tanong kung kinakailangang amyendahan ang batas ukol dito, sinabi ni Bello na hindi na dahil kada taon naman ay nagsusumite ang National Wages and Productivity Commission (NWPC) ng wage adjustment sa kada rehiyon. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.