Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P6M droga timbog sa Calamba buy-bust

0 239

Swak sa buy-bust operation ang dalawang lalaki matapos na mahulihan ng P6 milyong halaga ng shabu sa harap ng isang mall sa Calamba City, Laguna, Biyernes ng umaga.

Sa ulat ng Calamba City Police, ikinasa ng pinagsanib na mga operatiba ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang buy-bust sa parking lot ng mall kung saan nasakote ang dalawang suspek na kinilalang sina Sadam Mama Moseb at Norhassan Ditano Racman.

Narekober sa mga suspek ang isang malaking plastic ng shabu na tinatayang tumitimbang ng isang kilo at may street value na P6,800,800.

Ikinulong ang dalawang suspek sa detention cell ng Calamba City Police Station at sasampahan ng kaso. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.