Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P6M nakolekta sa raket! Switik na ginagamit si Bong Go arestado

0 183

Timbog ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na nagpapanggap na may koneksiyon kay Senador Bong Go para makahingi umano ng pera sa mga negosyante at pribadong indiniduwal.

Kinilala ni NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang suspek na si John Carlos Pedragosa Garcia na nahuli sa isang resort sa Bolinao, Pangasinan, gamit pa ang kotse na mula sa isa niyang biktima.

Sa reklamo laban kay Garcia, lumalabas na nakapanggoyo na umano ito ng halagang aabot sa P6 milyon sa mga nabiktima niya mula sa Albay, Laguna, Quezon at Rizal.

SM food to go Banner Ad

Isa sa biktima sa San Pablo, Laguna ay hiningan umano ng P1 milyon ni Garcia para maka-meeting si Go hinggil sa kanyang proyekto na POGO facility sa Albay at Malunay, Quezon.

Ipinangako umano ng suspek na iaasaayos niya ang pakikipagkita ng biktima kay Go dahil kilala nito ang kanyang Secretary na si Geraldyne Riano pero hindi naman ito nangyari at nang magpunta ang biktima sa tanggapan ni Go, nalaman niya na hindi konektado sa opisina ni Go ang dalawa.

Sa berepisyon, nalaman na may warrant of arrest na ang suspek na nilabas ng korte sa Mandaluyong City para sa 2 counts ng estafa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.