Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P6M shabu nasabat sa Cebu

0 68

AABOT sa P6 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng Philippine National Police sa Cebu nitong Martes at Miyerkules.

Sa pahayag, sinabi ng PNP base na rin sa report ng Toledo City Police, inaresto ang isang Christine “Tin” Monte De Ramos, 26. Nakuha sa kanya ang 160-gramo ng shabu na nagkakahalagang P1,088,000.

SM food to go Banner Ad

Nitong Martes naman nakuha sa isang 20-anyos sa buy-bust operation ang 32 transparent packs sa Barangay Duljo-Fatima, Cebu City. Sinasabing aabot ito sa halagang P4,760,000.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon sa PNP. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.