Abante Tonite Interactive

P6M shabu sa gulay ng 2 bebot buking

380

Buking ang dalawang babaeng Muslim nang masamsaman ng 100 gramo ng shabu na nagkakahalagang mahigit sa anim na milyong piso na nakatago sa ilalim ng dala nilang mga gulay sa Brgy. Culiat, Quezon City kahapon.

Kinilala ni Cubao Police Station (PS-7) commander P/Supt. Giovanni Hycenth Caliao, ang naarestong sina Weds Dinda Pasandalan alias ‘Myka’, 40, may-asawa at Norhana Sabdulah Ibad, 22, dalaga, kapwa taga-Brgy. Culiat, Tandang Sora, QC.

alas-8:40 ng umaga kahapon nang ikasa ang buy-bust laban sa mga suspek sa Purok 1, Luzon Avenue, Brgy. Culiat matapos silang tiktikan sa loob ng 12-oras.

Modus umano ng mga suspek na magpanggap na buyer subalit nasa ilalim ng gulay ang dala nilang shabu na idedeliber sa kanilang mga parokyano sa palengke.

Nakumpiska sa kanila ang cellphone model Nokia TA1034, 2 pouch at 1 brown envelope, 1 red eco bag, 2 pira­so ng P1,000.00 bill, 98 piraso ng ‘boodle money’ na ginamit sa buy-bust at 100 gramo ng shabu na P680,000.00 ang ha­laga.

Ang mga suspek ay nakapiit ngayon sa Cubao Police Station 7 habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5 (Sale), 11 (Possession) Sec 26, Art ll of R.A. 9165.