P7/kilo sa Albay: Palay sadsad presyo kay `Rolly’

Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na lalo pang nadagdagan ang pasaning hirap ng mga magsasaka sa lalawigan ng Albay matapos bumagsak sa P7 ang bilihan ng kada kilo ng palay matapos ang pananalasa ng bagyong Rolly.

Ayon sa DA, hindi na mapapakinabangan ng tao para kainin ang mga palay na nabasa at natabunan ng putik.
Gayunman, kahit hindi na ito mapapakinabangan ng tao ay bibilhin pa rin umano ng National Food Authority (NFA) at DA at gagawing ‘feeds’ ng mga hayop. (Dolly B. Cabreza)