Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P70B tapyas-pensyon ng PNP, AFP nakalkal sa Kamara

0 241

Sinisi ng isang mambabatas sa kanyang mga kasamahan sa Kamara kung bakit tinapyasan ng P70 bilyon ang pondo para sa pension ng mga retiradong miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Deputy Speaker Isidro Ungab, minanipula ang 2020 national budget kung kaya’t natapyasan ng kabuuang P209 bilyon at kasama rito ang P70 bilyon para sa pension ng mga dating sundalo at pulis.

Si Ungab ang chairperson ng House committee on appropriations nang aprubahan ng Kongreso ang P4.1 trilyong national budget para sa taong 2020.

Ginawa ni Ungab ang pahayag bilang reaksyon sa isiniwalat ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na tinapyasan umano ng P20 milyon ang pension at gratuity fund para sa mga pulis at sundalo sa ilalim ng 2021 national budget.

“Galit na galit ako kasi sundalo din ako,” ayon kay Ungab na sinabing isa siyang reservist at may ranggong colonel.

Banta pa nito na isisiwalat niya lahat sa isang privilege speech na gagawin sa tamang panahon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.