Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P70K ng bebot nalimas sa ATM scam

0 119

Tinatayang nasa P70,000 ang natangay sa isang babae sa modus operandi na pinalitan ng kawatan ang kanyang card nang magkaproblema sa automated teller machine (ATM) sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Nakuhanan ng video ang pag-withdraw ng babaeng biktima saka pumila ang tatlong babae sa likod niya.

Nang magkaaberya ang ATM, nilapitan siya ng babae sa likod at kinuha ang kanyang ATM card.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi umano ng suspek na susubukan ito sa ibang machine, pero napalitan na pala ang card na hawak. Nalaman na lang ng biktima na hindi kanya ang ATM card nang tingnan ito habang muling sinusubukang mag-withdraw, at makita na iba ang pangalan na nakalagay.

Na-withdraw ang laman ng ATM niya na P70,000. Ayon sa pulisya, posibleng nasilip ng mga suspek ang Personal Identification Number (PIN) ng biktima.

Sa ngayon, hinahanap na ng awtoridad ang mga switik sa tulong ng CCTV footage. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.