Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P70M kargamento nasabat ng BOC

0 321

Kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng Manila International Container Port (MICP), ang nasa P70 milyong halaga ng illegal goods sa Quirino Avenue, Tambo, Paranaque City kamakailan, alinsunod sa commitment na sugpuin ang smuggling sa bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isang grupo na binubuo ng mga miyembro ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Philippine Coast Guard (PCG), at National Bureau of Investigation (NBI) ang nagpatupad ng Letter of Authority (LOA) at ininspeksiyon ang warehouse sa lugar, nitong Enero 18, na ikinadiskubre ng iba’t ibang uri ng Chinese cigarettes, Chinese medicines, ipinagbabawal na surgical mask, foodstuff, footwear, garments, at iba pang imported goods. Kasalukuyan nang iniimbestigahan kung paano nakapasok sa bansa ang mga illegal goods, at isinasailalim sa inventory para sa case build up at pagsasampa ng kaso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.