Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P70M pekeng China face shield nasabat

0 359

Ni Nancy Carvajal

Nasamsam ng awtoridad ang tinatayang P70 milyong halaga ng peke at puslit na ‘Heng De’ face shield sa isang bodega, kamakalawa sa Parañaque City.

Nabatid na sinalakay ng magkasanib na mga tauhan ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR), Bureau of Customs (BOC), at Philippine Coast Guard (PCG) ang malaking bodega sa may 83 Luzon Road, Barangay BF Homes dakong alas-4:30 Huwebes ng hapon.

Tumambad sa raiding team ang libo-libong kahon ng mga pekeng Heng De face shield sa likod nitong warehouse, na ayon sa mga operatiba sa lugar ay posibleng hindi na fit for use.

Nag-ugat ang raid mula sa tip ng isang NBI informant na nagsabing ang naturang bodega ay bagsakan ng mga smuggled na kagamitan galing China.

Nabatid ng NBI na ang naturang personal protective equipment (PPE) ay hindi dumaan sa kaukulang inspection at hindi idineklara ng Food and Drugs Administration (FDA) na ligtas gamitin.

“The contraband from China did not only go through proper inspection at the BOC for taxes, but, most importantly, with the Food and Drug Administration to ensure that it is safe for public use,” saad sa report.

Nakatakda namang itapon o sunugin ng BOC ang mga puslit na PPE matapos ang imbestigasyon para matiyak na hindi ito babalik sa black market. (with Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.