Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P72B vaccine fund ‘di sigurado paghuhugutan – Drilon

0 285

Ikinumpara ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang P72.5 bilyong alokasyon sa pagbili ng COVID-19 vaccine, sa isang hindi napondohang tseke kasabay ng pagkabahala sa kakulangan umano ng mapagkukunan ng pondo mabakunahan ang 60 milyong Pinoy sa susunod na taon.

Ayon kay Drilon, walang katiyakan kung paano makakalikom ang gobyerno ng P70 bilyon sa susunod na taon para bumili ng COVID-19 vaccine dahil P2.5 bilyon lang ang ginagarantiya sa ilalim ng 2021 spending outlay.

SM food to go Banner Ad

Ang natitirang P70 bilyon ay nakapaloob sa unprogrammed fund kung saan ang pondo ay napakadepende sa approved loans o di kaya’y kukunin sa sobra sa non-tax revenue target.

Sabi pa ni Drilon, “It is like we issue a check without adequate funding. Sana po hindi mag-bounce.”

Giit pa niya, “There are around 2.7 million Filipino families slipped into poverty due to COVID-19 and, yet, there is no allocation for social amelioration program for next year,” saad pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.